Nakatali Ang Dila Sa Pagdadasal
Ginagamit natin ang kasabihang, ‘nakatali ang dila’ para ilarawan ang sandali na wala tayong masabi.
Minsan, natatali ang dila natin habang nagdadasal, hindi natin alam kung ano ang sasabihin. Natatali ang mga dila natin sa mga paulit-ulit na pangungusap. Itinutuon ang emosyon, iniisip kung aabot ba iyon sa tenga ng Dios. Wala sa Dios ang ating atensyon.
Sa sulat ni Apostol…
Luhang Nagpapasalamat
Minsan, lumuluha habang humihingi ng tawad si Karen sa grupo ng kalalakihan mula sa kapulungan ng mga nagtitiwala kay Jesus. Balo na kasi si Karen at mag-isa niyang tinataguyod ang kanyang mga anak. Kaya naman, nang mag- alok ng tulong ang mga kalalakihan na ito para makapagpahinga siya, naiyak siya sa labis na pasasalamat. At humihingi siya ng pasensya dahil…
Ang Kanang Kamay Ng Dios
Dinala ko ang aso ko sa damuhan. Pero sa isang aksidente, nahila niya ang taling nasa kanang kamay ko at napilipit ang daliri ko. Bumagsak ako sa damuhan at napahiyaw sa sakit. Nalaman ko na kailangang operahin ang daliri ko kaya nanikluhod ako sa Dios.
“Writer ako! Paano na ako makakapag-type nito? Paano na iyong mga araw-araw kong trabaho?” Kinausap ako ng…
Ang Pagtangis
Nang pumanaw ang nag-iisang anak nina Hugh at DeeDee, nahirapan silang tanggapin ito. Biyuda ang tawag sa babaing asawa na namatayan ng lalaking asawa. Balo naman kapag babaing asawa ang namatay. Ulila ang tawag sa mga anak na namatayan ng magulang. Ngunit, walang tamang tawag kapag nawalan ng anak ang isang magulang.
Iba-iba ang dahilan ng pagkawala ng anak, ang…
Nakikinig Ba Ang Dios?
Noong miyembro ako ng grupong nangangalaga sa kongregasyon ng simbahan namin, isa sa mga tungkulin ko ang ipagdasal ang mga kahilingang sinusulat nila sa kard na nilalagay namin sa upuan. Para sa kalusugan ng tiyahin, para sa pananalapi ng mag-asawa, para makilala ng apo ang Dios. Bihira akong makarinig ng kinahinatnan. Walang pangalan ang karamihan ng kard at wala akong…